Wednesday, September 30, 2009

Diyos ko, bakit mo ako iniwan?

maulan. ulan ng ulan. sabi ng prof ko noon, ang ulan ay pwedeng pahiwatig ng destruction, sadness or cleansing. para sa akin, lahat na. sa nakaraang weekend kong kay lupit, parang ako nabuhusan ng ulan at pilit pinapatay sa lamig. awa nga lang ng diyos, lumiwanag at pumasok na naman ako sa isa pang cycle ng tagaraw sa buhay ko. ang nakakatawa, mainit nung panahong tag ulan ang aking katauhan at umulan ng malupit nung naayos na ang lahat.

diyos talaga, lagi na lang ako binibiro.

- - -

so sino ba talaga ang dapat sisihin sa lahat. ang tao ba o ang diyos? kung tao, sabi nga nila, tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana. lahat ng nangyayari sa atin ay kagagawan din natin or at least naiimpluensya natin. free-will nga db. pero teka, db sabi naman sa ating religion classes eh diyos ang may alam sa ating kapalaran? db nga kaya tayo nagdarasal sa kanya eh para maiahon tayo sa ating mga pasanin? ano ba talaga kuya. nakikialam ba ang diyos o naiinip lang ang tao by nature? i mean, bakit tayo nagpapasalamat sa isang bagay na nakatadhana na?

nakakaloka, sa bagay, agnostic naman ako. pero wag ka, nagpapasalamat pa rin naman ako sa diyos, tutal eh kahit ako ang nagawa ng aking kapalaran, na sa awa din niya ang lahat. hahaha.

sabihin na lang natin na agnostic lang ako sa aspektong sinasabi nila na diyos na ang bahala. eh bakit nga kasi, lahat ay pre-destined na at illussion lang ang free-will.

magulo ba akong kausap? hehehe, tandaan, lahat ng philosophers na masyado tong kinarir ay nabaliw. lol.

- - - -

written on may 5, 2009