ang plastic, bow.
kani-kanina lang, nagulantang ako sa nakita kong update sa facebook ng mga friends ko at eto un:
armi's wall message
ano nga ba pagkakaiba ng OROCAN sa TUPPERWARE? wala naman di ba, kasi pareho lang silang plastik!!!!
posted comments
me:meron. ang degree ng kasosyalan nila sa pagiging plastic. maraming plastic sa mundo, ung iba, katabi pa nila ang basurahan na plastic...may kasama pa talagang kamaganak.
armi:
so ibig sabihin ang OROCAN ay cheap na plastic pero ang TUPPERWARE, sosyal? sabagay malaki nga ang difference, mas mahal ung TUPPERWARE eh....
me:
ang tupperware ay ang mga plastic na may mga imported chu chu pa sa katawan para ipagmalaki na rin ang kanyang mga material shet. ung orocan eh ay ang mga plastic na sige lang, go - banat kasi taga ugaling askal.
armi:
ooohh.. shet... ganun pala un... whatever, i just don't buy them anyway, hindi ako fan... mas maganda ang babasagin, at least, inaalagan,,, inaalayan ng care, lagi para hindi mabasag... ang mga plastic, mahirap alagaan, kasi in the end, papanget din.... sabagay, tingin ko nga panget talaga sila....
me:
...nagmamantsa din ang mga plastic, parang scarlet letter sa kanilang dibdib - PLASTIC AKO - harharhar. kahit san mo sila tingnan, kahit anong pakisama ang gawin mo, kahit masabi mo pang mapapatawad mo ang ganun, PLASTIC pa rin sila. kakausapin ka at makikipagtawanan PERO PLASTIC pa rin. mas gugustuhin ko na ang FRANK kesa sa PLASTIC.
sa kasaysayan ng tao, bahagi na ang pagiging plastik para mabuhay. un nga lang, may mga taong kinakarir ang pagiging plastik nila. hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nakukuha nila sa pagiging plastic. pati ba sa mga sarili nilang mga kaibigan ay plastic sila o granted na pag dating sa kanila ay walang talo-talo?
minsan nasesermon ako ng mga kaibigan ko kasi matigas daw ulo ko sa mga bagay na hindi ko kayang pakisamahan. para sa akin, nagpapakatotoo lang ako. kung hindi nila ako kayang tanggapin na ganun ako, lalong hindi ko babaguhin kung sino ako para lang masabing IN ako.
may mga bagay na kaya kong pakisamahan na walang halong kaplastikan - kung ano ako nung mga oras na un, hanggang dun lang un at d ko un pagiispan pa later on unless maging part ng chikahan. minsan naman, ang pagiging plastic ay parang white lies lang to avoid conflict. medyo accepted to as long as hindi ito umaabot sa point na pagtalikod eh ang daming dinadadak tungkol dun sa taong lumapit sa kanila/atin.
sa mga bagay na paninindigan ko kahit ikamatay ko pang hindi pakisamahan - un ay dahil may prinsipyo ako. kung ayoko, ayoko. so far, i am civil sa mga taong hindi ko masisikmura. yes, tama nababasa niyo: CIVIL, as in kakausapin lang kita kung kinakailangan pero wag kang aasa na makikipagbiruan/makikipagkwentuhan ako sa sa kanya dahil HINDI AKO PLASTIC tulad niya.
bato, bato sa langit...ang tamaan ay kailangan palibutan ng bawang.
bakit? basta. hahaha.

