i did write again
TIKATIK AT ANG PRUTAS NA MAY PAIT
i wrote this story some months back, my first attempt to write in filipino and a short story after many years. thanks to dervy who proofread my work. by the way, this was inspired by my gay friends.
hindi mo masasabi kung ano ang lasa ng lanzones hangga't d mo pa siya natitikman. minsan matamis, minsan maasim - ang masaya pa dito eh ang bawat isa ay may kanya-kanyang katangian kaya kahit tikman mo pa ang sample ng tindero, walang kasiguraduhan kung ano ba talaga ang lasa ng binili/nakuha/nahingi/ mong lanzones. isa lang ang tiyak sa prutas na ito at kahit ipusta pa, walang makakaila - walang kasing pait ang kanyang buto. pag minamalas ka nga naman, aksidente mo tong makakagat. bakit ba natin pinag-uusapan ang lintek na seasonal na prutas na to? ewan. siguro may naaalala lang ako. siguro kasi ganito rin ang tingin ko sa pag-ibig. umuulan kasi, nakakainis, nakakairita.
pagibig. lanzones. ulan.
ikaw lang ang naaalala ko sa 3 salitang yan. hindi ako bitter ah, iba naman siguro ang naalala sa nasasaktan - haler, naka move on na ako. katulad ng bagyong signal no. 3, sinalanta mo ang buhay ko mula nung tayo ay nagkakilala hanggang sa tuluyan na tayong naghiwalay. ganung kalakas ang dating mo sa akin, na windang ako at nadala sa habagat ng naramdaman kong pagibig. tandang-tanda ko pa ang bawat detalye nung araw na iyon. naulan. naulan ng malakas. nabaha ang puso ko sa kaligayahan, mabulaklak ang paligid sa aking paningin, nagpasalamat pa ako sa diyos na dumating ka. akala ko ikaw na talaga. akala ko lang pala yun.
ang kauna-unahang pasalubong na inuwi ko sa iyo nung nanggaling ako sa trabaho ay lanzones. makita ko lang ang ligaya sa mga mata mo noon ay nakakalimot ako ng pagod at naiisip ko pa na wala na akong hihilingin pang iba kundi ang sana, ganito lang tayo palagi. pagibig nga naman, kahit baduy, keber. basta't kasama kita, ang lahat ay possible at higit sa lahat, "ang sweet" - ew. tanda mo pa ba ang mga tanghaling nanonood tayo ng wowowee at kabisado mo pa talaga ang lyrics ng mga novelty songs ni willie? tanda mo pa ba ang pagsalubong mo sa akin ng tinola o sinigang pagkauwi ko ng bahay? tanda mo pa ba ang mga panahong sa kasabikan natin sa isa't-isa ay halos ma late ako sa pagpasok dahil naglalambing ka habang ako ay paalis na? ang mga ferrero, ang mga puting rosas, ang relo, ang thermos, ang chowking, ang palawan. ang putang inang palawan. bakit kasi pe uniform ang suot mo nung una tayong nagkita sa nasabing lugar. sa gitna ng ingay, crowd at kadiliman, biglang nag shining star moment:
the way you look at me | the fire in your eyes | your kisses are sweeter than wine
isang araw, tumawag ka na lang bigla at excited mong ikinuwento sa akin na kabisado mo na ang lyrics ng kantang "insensitive". proud mo pang sinabi na paulit-ulit mo lang pinakinggan ang nasabing kanta - sino mag-aakala na premonisyon na pala to ng impyernong mararanasan ko sa loob lamang ng ilang buwan.
siyempre, deadma to earth. pag inlove, ang last song syndrome na tutugtog sa isipan mo ay ang linyang, "why do birds suddenly appear, everytime you are near" - cloud 9 ka lagi, ika nga. yun nga lang, kung ano ang kaligayahang naramdaman mo sa alapaap nung mga panahong iyon, ganun ding kasakit ang paghalik mo sa lupa kapag ikaw ay bumagsak. sa law of gravity, what goes up, must come down. 2 bodies that fall from the same distance will fall down at the same time regardless of their wieght. tang ina ka, bakit ako lang ung nasaktan eh sabay lang tayong nahulog.
ang daming naglaro sa isipan ko mula nung huling tapak mo palabas sa ating munting love nest. naulan din nung gabing un, bagyong-bagyo kung hindi ako nagkakamali. nakakatawa lang isipin na bumalik ka pa at nagmakaawa habang nangangatal ka pa sa lamig dahil nabasa ka. akala mo siguro hahabulin kita. pasensya na, hindi ko un gawain. kung ayaw mong umalis, d ka naman lalabas di ba?

