Thursday, September 17, 2009

aray, tawa, ngiti.


alam ko na kung bakit "pasan ko ang daigdig" ang tawag sa situwasyon kapag problemado ka - nagpaparinig ang mundo! kahit saan ka pumunta, wala kang ligtas sa mga pasimpleng hirit ng tadhana na ipaalala sa iyo ang mga kalupitang pinagdadaanan mo, maliit man to o malaking bagay.

(ang mga ayaw mong marinig na kanta, paulit-ulit na tutugtog basta may sounds involved. maaaring ito ang tinutugtog sa jip/fx/restaurant/cafe/etc o d kaya ay kinakanta ng mga bata/tambay/manong guard/etc sa kalye/karaoke/bahay/opis/etc)

(ang mga ayaw mong makita, paulit-ulit na lilitaw kahit sa kasuluksulukang bangketa)

(ang mga ayaw mong maalala, mangiistorbo sa isip mo na parang makulit na bata hanggang sa pagtulog. sobrang malas mo na lang siguro kung hanggang sa panaginip ay minumulto ka)

...aasarin ka hanggang mapapaisip ka na lang kung:

a. ikaw ba ay pinarurusahan?
b. ikaw ba ay masamang tao?
c. kulang pa ba ang paghihirap mo?

relate ka ba? hahaha, idaan na lang sa tawa. papanget ka lang kung iiyakan mo ang isang bagay na ikaw ang inapi. kung kanta yan, ibahin ang lyrics sa utak mo, babuyin at ialay sa kung sino man ang nagpapaalala ang bawat mapait na tinig na padaan-daan sa tenga mo na parang si sisa. ung mga nakikita mo naman na may ganun din ang epek eh deadmahin! bakit, ibig sabihin lang nun eh cheap at common na bagay lang ang lecheng so-called sentimental item kaya ito ay pakalat-kalat lang sa daan. ayaw umalis sa isipan mo? pwes, sabihin mo sa sarili mo na ano sila, gago? hindi ako loser! aba, ikaw din ang malulugi kapag puyat ka dahil d ka nakatulog ng maayos.

siyempre, tao ka lang naman at may posibilidad na magrerelapse ka - eto lang ang cardinal rule kapag ikaw ay bumagsak...bumangon ka! kahit ilang beses ka pa tumumba, wala namang rule na bawal ang tumayo.

best of all ay NGUMITI. matamis man o pangasar o ngiting aso sa pilit, marami advantage ang smile. una sa lahat, hindi ka mukhang apekted. obvious din naman na pang attract siya ng positibong aura. higit sa lahat, pang boost ito ng confidence. ay, wag tatawa, totoo naman db? kapag ngumiti ang kontrabida sa paborito mong teleserye, nakakainis di ba? ganun lang un, better than ang umiiiyak ka at maglilitanya sa sama ng loob. hindi ka pa tataba tulad ng mga na food trip kapag depress.

tandaan mo na hindi lang ikaw ang may problema sa mundo at mas lalong hindi mo talaga pasan ang mundo. masyado mo lang napapansin ang lahat ng bagay kasi akala mo nagiisa ka lang.

0 comments:

  • Post a Comment