si cain at abel - kwentong yosi break
Nagyoyosi kami ni Johann nung first break ko nung bigla kong nasabi na kaya konti lang ang matitinong lalake sa mundo ay dahil pinatay ni Cain si Abel. Naloka siya, tumawa at tinanong ako kung bakit.
"Simple lang, ang mga matitinong lalake ay mga kalahi ni Abel. Dahil pinatay siya ni Cain, naputol tuloy ang lahi ng purebreed good boy. Sisihin nating mga babae si Cain at bonggang-bongga ang mga lalakeng nakamana ng dugo niya. Bakit, wala naman nakasulat sa bibliya na wala silang mga anak at asawa di ba? Swerte ang babaeng makakabingwit ng mga lalakeng dala ang dugo ni Abel. Swertehan or good luck na lang sa mga babaeng mapapalaran ng crossbreed ng lahi nila, ang mga maginoo pero medyo bastos!"
Humalakhak kami na parang kami lang ang tao sa kadiliman ng viewing deck nung mga oras na yun. Kulang na lang ay mapagkamalan kaming mga nasisiraan ng bait at may mga apir-apir at batukan pa kaming nalalaman.
"Maaga pa, sindi pa tayo ng isa."

0 comments:
Post a Comment