Wednesday, September 30, 2009

secret on???

04 may 2009 shift @ work [it is now 12:59 am manila time, 05 may 09] mmanalo

"lahat ng kaldero may kanyang sariling takip"

yan ang sinabi ng dj sa lalakeng tumawag ngayong gabi para sa love problem niya. medyo wierd at ang layo, eh ang problema naman kasi ng lalake eh s.o. (secret on) daw sila ng gf niya tapos namalayan na lang niya na nililigawan din ng pinsan niya gf niya - d niya masabi sa pinsan niya na sila na ng babae dahil baka magkaproblema siya. ang panget lang dun eh mukhang nagiging close na ang 2. agree ako sa dj, na sa babae na un kung hahayaan na lang niya un mangyari ganung committed naman siya sa kanya kahit so sila.

so, may tawag na pala sa ganun hahaha. sabi nga ng dj, sa mga mashoshonda (matatanda) ang s.o. ay secret on. lolx.