Friday, October 16, 2009

para sa kaibigan kong gustong magpakamatay

dear outlaw/arem,

kung nabasa mo pa to, mabuti naman at ibig sabihin lang nun ay d ka nagpakamatay gaya ng balak mo ngayon lang. sige lang, maglasing ka para mailabas mo ang lahat ng sama ng loob mo sa buhay. kahit ano naman sabihin ko para gumaan ang loob mo ay hindi mo iintindihin kasi understandably, iniisip mo na wala nang kwenta ang lahat.

hindi lang ikaw ang may problemang pagibig sa mundo okay. natatapat lang talaga tayo sa mga taong hindi tayo kayang mahalin pabalik. punyeta ka, kung andyan ako ay sasampalin pa kita para maappreciate mo ang ibig sabihin ng mabuhay ka at lumaban.

matapang ako kung matapang. hindi ako gaanong palaban ng harapan pero pagdating sa buhay, kaya kong buhayin ang sarili ko dahil may iba pa akong dahilan para mabuhay. yun din ang gusto kong unawain mo, may mga bagay na kailangan magwakas para mabuksan ang ibang opportunities sa buhay mo.

mahal ka namin ng mga kaibigan mo, wag kang tanga. ang taong ipinagpapalit ka lang para sa pera sa halip na damayan ka ay hindi ka mahal at hindi nila deserve mahawakan ang buhay mo.

very truly yours,
marJ